Reviews

Serbisyong Tapat, Buwis Na Sapat. Para Sa Inyo. Maging Tapat Tayo. wehh di nga

BIR

Serbisyong Tapat, Buwis Na Sapat. Para Sa Inyo. Maging Tapay Tayo.

Alam nyo po BIR gustong gusto kong maging TAPAT sa inyo. May kinikita kong extra mula sa sideline ko as a freelancer, pero sa SOBRANG HIRAP at MABUSISING PROSESO ng pagkuha ng COR mula sa inyo para sa isang katulad kong ordinaryong mixed income earner na pilipino, aba eh dapat kumeep up kayo dahil yung pinanggagalingan ng income namin di namin kinakailangan lumabas ng bahay dahil lahat nagagawa namin online from registration up to mobile banking sa pagkuha ng payout namin, lahat automatic, samantalang kayo kinakailangan pa naming PUMILA, MAGHINTAY at MAGPABALIKBALIK sa mga RDO nyo para lang sa BIR COR na yan.Anong Petsa na.

Buti pa DTI, DFA and other GOVT Agencies kumekeep up, eh kayo, natutulog sa pansitan dahil lahat mano mano. Kung gusto nyong makalikom ng SAPAT na BUWIS aba, gamitin nyo yung nalilikom ninyo mula sa mga PILIPINO para magkaroon kayo ng AUTOMATION. Sample idea, provide FILLABLE FORMS ONLINE, PAYMENT PROCESSOR ONLINE or maybe ONLINE Appointment narin as well, just like sa process ng FDA and DTI, It will also help fight CORRUPTION dahil lahat may papertrail.

I tell you, with the increasing number of freelancers na pinoy, makakalikom kayo ng sangkatutak na buwis na makakatulong para umunlad ang bayan natin. Sana mapansin nyo dahil ITS TIME. #BIRAutomation #SpeedUpBIRProcess #BUILDBUILDBUILD

Yours Truly,

Mixed Income Earner of the Philippines

Leave a comment